Wednesday, September 9, 2009

Hangin

Aking hangin

nararamdaman kapag nagpaparamdam

kasiglahan ng katawan ang dulot kapag nasa kapaligiran. Iwas pawis, luha ng katawan.

kasiyahan ng loob dulot mo hangin. Napapalipad ng tuluyan ang saranggola ng buhay.

ang isip malinaw kapag biyaya'y katamtamang lamig.

mahalaga ang hangin, minamahal ng tunay.

ngunit bakit nagbago ang ihip, unti unting nawala?

para ba paramdamin ang halaga ng hangin?

o para bang tuluyang pumanaw na?

hirap isiping hindi mahalin ang hangin

walang rason.

ngunit pag nahihirapan akong mahalin ito, kailangan ding intindihin

di matiwasay ang katawan, isip at damdamin

sapagkat kulang ang pagpaparamdam

wala na bang ilalakas pa ang hanging di gaanong maramdaman?

di ba nais ng hanging intindihin aking pangangailangang isip at damdamin?

sanay mainitindihan mo hangin, ang tindi ng pangangailangn sa yo.

Pinutol at nagalit pagkat may ibang simoy ang dumating

hinanap ng hinanap, walang humpay, nasaan ang hanging dati'y akin?

kelan kaya maiisip na kaw pa rin ang hanap ng isip at damdamin?

ah...di nagpaalam at naglaho, marahil may iba nang pinararamdaman.

ang isip at damdamin, di mapalagay, magpaparamdam bang uli at babalik o pansamantalang darating upang magpaalam?

heto naghihintay sa initan ng disyerto....hirap ang isip, puso't damdamin.

sabi ko dati'y walang rason para di mahalin ang hangin....

ako'y napaisip, bakit nga ba ako nababalisa

tunay ngang mahirap ....oo nga pala....kapag hangi’y kinitil

lahat ng kapaligiran titigil sa paggalaw

saranggola'y di maipapalipad,

akong nasa initan di matitiis ang matinding pawis

wala ng saranggola, nalugmok pa sa loob ng bahay

di alam ang gagawin...malungkot nagtatanong....bakit walang hangin?

sabi ng ina, intindihin anak di lahat ng araw may simoy ng hangin, darating din yan, wag magmadali, humunos dili

naghintay, inintindi, nangarap na may bukas pa....pag-asang saranggola'y lilipad muli

sasayang muli

ngunit napaisip ako, aantayin pa ba ang hangin o di kaya'y baguhin ang saranggolang di na aasa sa hangin?

nais lamang sanang sumaya muli...makalabas na tumatakbong salubungin ang hangin, lapat ang saranggola sa dibdib

tanggap ba kung pagkait na tuluyan ang hanap na hangin?

malungkot na malungkot na tatanggapin dahil sa nakasanayang simoy akala'y wagas.... yun pala'y.....may hangganan rin

tanong sa sarili'y pimahalagahan ba ng wasto ang biyayang hangin nang ito'y sumisimoy pa?

di bagat sabay naming pinalipad ang saranggola? mayroon bang ibang pagpapahalagang hihigit pa?

tanong ni ina, bat nagsungit ang hangin, anak?

marahil ina, sabi ko kasi'y, "lakasan mo pa! Hina mo naman ! "

nang di na malaksan, pinilit ko pa, sabi ko'y bat ako kinakaya pa?

Sagot ng hangi’y, labada ni ina aking tinutuyo, sabay tulak sa ating saranggolang papalayo.

Ako’y nag-isip, hangi’y tama sa pagpapahalaga,

Huwag pilitin ibahin ang pakay ng hanging

Pagsilbihan pati ina’t saranggola’y paliparin.

Wika ko’y sige hangin, pangangailangan ni ina muna’y tuparin

Akin munang itatago ang saranggolang , balang araw, lilipad rin.

Ako kaya, mahalaga kaya sa hangin?

O di kaya’y panandaliang pangangailangan lamang upang layuning itupad

Saranggola’y matayog na lumipad ?

Nakita ko ang pagpapahalaga sa ina, ba’t sa aki’y di ganoon ang wika.

Sabi mo’y intindi mo ang magkalayo, di mo pababayaan….parati mararamdaman

Ngunit bakit nang humingi ng pagpaparamdam, lalong pinagkait?

Bakit ayaw isiping kulang ang aking hanging nalalanghap?

Ang init na, init ng ulo, ng katawan….naisip kong marahil

Hangi’y di na ako mahal, pagkat pagpapahalaga sa ki’y kinalimutan na

Kung mag-isip mang maghanap ng ibang simoy, masisisi ba ?

Ipinaglalabang hanapin ang dati’y atin ngunit nasaan ka…aking katuwang?

May katuwang na bang iba? Mas matayaog ba ang lipad ng inyong bagong saranggola?

Akala ko’y wika’y walang iwanan sa dilim....wari’y ko’y pati ito’y limot na rin.

Paalam hangin.

No comments:

Post a Comment